Huwebes, Marso 16, 2017

Pagpapabuti sa ating Ekonomiya

Paano natin makakamit ang mataas na Ekonomiya?




Ang ekonomiya ay sumisimbulo kung ano ang estado ng pamumuhay ng mga tao sa isang bansa. Dito nakapaloob ang trabaho, kita, puhunan, produksyon, distribusyon, at marami pang iba na kaugnay nito. Ngayon, may mga suliraning kinakaharap ang ekonomiya ng ating bansa. Ang kahirapan ay isa sa mga resulta ng mababang ekonomiya, at tayo ay nakararanas nito. Ano-ano nga ba ang mga solusyon para rito? Kailangang isaalang-alang ang tatlong pangunahing sektor ng ekonomiya:

  • Sektor ng Agrikultura - isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag- aalaga ng hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
  • Sektor ng Industriya - para maiproseso ang mga hilaw na materyal upang makabuo ng mga 
    produkto na ginagamit ng tao.
  • Sektor ng Paglilingkod - gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.

Isa-isahin natin ang mga sektor na ito upang malaman ang mga SULIRANIN na kinakaharap nito.


Sektor ng AGRIKULTURA


May sub-sektor ang sektor na ito:

Pangingisda

> Paghahalaman               > Paggugubat
> Paghahayupan               > Pangingisda


May mga suliranin itong kinakaharap na humahadlang upang mapaunlad ang sektor na ito. Ito ay ang may pinakamababang kontribusyon sa kabuuang kita ng ekonomiya sa mga nakalipas na taon, kaya naman, bilang primary na sektor, kailangang mas bigyan ito ng pansin upang matulungan ito sa pag-unlad.



Paghahalaman

- Mataas na gastusin

- Problema sa kapital

- Pagdating ng dayuhang kalakal

- Kakulangan sa paggamit ng makabagong kagamitan at teknolohiya

- Masamang panahon




 ~ Mga REPORMA sa LUPA na ipinatupad ng mga nakaraang PANGULO ~

  • Rural Program Administration - pagbili at pagpapaupa ng mga hacienda sa mga magsasaka.

  • Batas Republika 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law - nagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program. Ang mga pampubliko at pampribadong lupaing agrikultural ay ipapamahagi sa mga magsasakang walang sariling lupa.

  • Batas ng Pangulo Blg. 2 - napasailalim ang buong bansa sa reporma sa lupa.

  • Batas Republika Blg. 7905 - nagpatibay ng implementasyon ng CARP.

  • Executive Order no. 1151 - pagsasama-sama ng operasyon ng maliliit at malalaking sakahan upang magkaroon ng malaking kapital sa pagtatayo ng negosyo.


Sektor ng INDUSTRIYA


Pagmimina
May mga sub-sektor din ito:


> Pagmimina         > Pagmamanupaktura
> Konstruksyon     > Elektrisidad at Gas   


Narito muli ang mga suliraning kailangang masolusyunan upang umunlad ang sektor ng industriya. Ito ang secondary sector na nagpoproseso ng mga produkto kaya ito ay isang importanteng sektor.



Elektrisidad at Gas
- Mga white elephant project o mga proyektong hindi napapanakinabangan 

- Kakulangan sa hilaw na materyales

- Pagpasok ng dayuhang kumpanya

- Kawalan ng kapital sa paggawa ng produkto

- Kakulangan ng suporta ng pamahalaan


Sektor ng PAGLILINGKOD


Kalakalang Panlabas
Tulad ng mga naunang sektor, may sub-sektor din ito:


> Pananalapi     >Pagmamay-ari ng tahanan
> Insurance             at Real Estate
> Komersyo       > Kalakalang Panlabas


Ito ang mga problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod. Kahit na ito ang may pinakamataas na kontribusyon sa kabuuang kita sa ekonomiya sa nakalipas na mga taon, mayroon pa rin itong mga suliranin.



- Kontraktwalisasyon
Insurance

- Pagbaba ng produksyon ng ekonomiya

- Mas magagandang oportunidad na trabaho sa ibang bansa

- Mga mabababang pasahod ng mga amo o pinagtatrabahuhan

- Matataas na pamantayan sa mga pinapasukang trabaho



Ano ang mga solusyon sa mga suliraning ito?



1. Maglaan ng sapat na badyet para sa mga kapani-pakinabang na proyekto para sa mga sektor ng ekonomiya.

2. Pagtatakda ng tamang presyo ng mga produkto.

3. Pagpapatayo ng mga imprastruktura na makakatulong para sa mga sektor.

4. Pagbibigay ng subsidy para sa mga maliliit na magsasaka.

5. Pagbubukas ng mga trabaho para sa mga Pilipino sa ating bansa.

6. Pagtangkilik ng produktong gawang Pinoy.

7. Huwag magsayang ng pagkain at ibang mga produktong kinokonsumo.

8. Tunay na ipatupad ang mga batas para sa iba't ibang sektor.


Ano-ano bang mga benepisyo ang makukuha niyo sa adbokasiyang ito?



Ang adbokasiyang "Sulong, Pilipinas!" ay ginawa upang... 

  • malaman kung ano ba ang ekonomiya at ang mga sektor nito
  • iparating sa ating kapwa Pilipino ang mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng ating ekonomiya (mga sektor).
  • tangkilikin ang sariling produkto at hindi ang mga imported products.
  • maging aware ang mga Pilipino sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya.
  • maipalaganap ang isyung ito at bigyang solusyon agad ng pamhalaan.
  • may magawa ang mga tao upang mapaunlad ito kahit sa simpleng paraan lang (tulad ng ibinigay na halimbawa sa itaas).






Ating paunlarin ang Ekonomiya ng Pilipinas! Sulong, Pilipinas!







SANGGUNIAN:
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-21-sektor-ng-agrikultura
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-22-sektor-ng-industriya
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-23-sektor-ng-paglilingkod
http://ekonomiks.info/ano-ang-ekonomiya/
http://nheilloniummauroxide.blogspot.com/ (para sa editorial cartoon na larawan)
Google Images (para sa iba pang mga larawan)